Attract Your Life's Desires

Sunday, December 26, 2010

Regine's Vow To Ogie

I just finished watching the Regine Velasquez-Ogie Alcasid wedding special on GMA-7. Regine has been one of my favorite icons growing up. I copied her short hair during high school and enjoyed being told that I looked like her, until she got bigger while I remained in my adolescent stick-thin body. I could relate in a lot of ways with Regine. Because she remained single for a very long time, I thought I was going to end up like her. I was wrong as I got hitched 3 years before she did. Incidentally, she got married to the love of her life on my birthday.

At 40, Regine finally settled down and tearfully pledged this touching vow to Ogie:

“Tinanong tayo ni Pastor kung bakit tayo magpapakasal. Mas madali raw kasi ang maging single. Pero, hindi. Dumating ka sa buhay ko, pagod na ako at malungkot na ako.

“Sinagot naman Niya ang dasal ko, at agad-agad! At ngayon na nga ang umpisa, ‘yun na nga ang pag-uumpisa ng pagpapa-cute mo sa akin. At in fairness sa iyo, cute na cute naman ako sa ‘yo.

“Simula nga noon hindi ko na maalala kung paanong nagsimulang ikaw na ang iniisip ko. And to quote the APO… (kinanta ni Regine ang stanza ng kanta ng APO).

“'Di ko malimutan kung kailan ako nagsimula na matutong ikaw lang ang mahalin. At 'di ko malimutan kung kailan ko natikman ang tamis ng iyong halik, yakap na napakahigpit, pag-ibig mong tunay hanggang langit. Ayan!”
Nagsimula na ngang umiyak si Regine habang sinasabi nitong may mga pagkakataong sumuko siya sa kanilang dalawa ni Ogie dahil sa hirap na nararamdaman niya.


“Simula sa araw na ito, ikaw na ang makakasama ko sa buong buhay ko. Alam kong magiging masaya at punung-puno ng tawanan at pagmamahalan ang magiging buhay ko kasama mo.

“May mga pagkakataong makakalimutan ko ang aking mga pangako. May mga sandaling hindi magiging mahaba ang aking pasensya. May mga panahong hindi kita maiintindihan. May mga araw na hindi kita maalagaan. May mga pangangailangan kang hindi ko maibibigay.

“May mga oras na magiging masungit ako nang wala lang, walang kadahilanan, pasensya na… hormones, saka 40 na malapit na ring mag-menopause (singit na pa-comedy na sabi ni Regine na tinawanan ng mga tao).

“Pasensya na mahal. Ngunit sa lahat ng mga kakulangan kong ito, hindi mababawasan ang pag-ibig ko sa iyo.

“Sabi ko nga kay Lord, kung hindi rin lang ikaw, ayoko nang magmahal kasi ayoko na nang iba, ikaw lang ang gusto ko.

“Mahal, sa lahat ng pinagdaanan natin ngayon naiintindihan ko na kung bakit kailangang mag-imbita tayo ng pagkarae-raeng (marami) tao. Pakainin, bigyan ng entertainment at bigyan ng regalo (nagpapatawang sabi pa rin ni Regine na tinawanan na naman ng mga tao).

“Para sa oras na pareho nating makalimutan ang ipinangako natin sa isa’t isa. Ito rin ang mga tao na magpapaalala sa atin para sa araw na ito.

“I love you. I’ve never felt so happy in my life.”


No comments: